Home NATIONWIDE May-ari ng MV Hong Hai 16 sinisilip kasuhan ng PCG

May-ari ng MV Hong Hai 16 sinisilip kasuhan ng PCG

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng pagsasampa ng kasong administratibo laban sa may-ari ng MV Hong Hai 16 na tumaob sa karagatan sakop ng Occidental Mindoro noong Abril 15.

Gayunman, iginiit ni PCG deputy spokesperson Commander Michael John Encina na nakatutok pa rin sila sa search and recovery operations kasunod ng insidente at sa pag-iwas sa posibleng oil spill mula sa barko.

Nauna nang nag-isyu ng demand letter ang PCG sa may-ari ng MV Hong Hai 16 upang masiguro ang buong sa kooperasyon ng nagpapatuloy na response operations sa baybayin ng Rizal, Occidental Mindoro.

Siyam na crew memebers ang iniulat na namatay dahil sa insidente habang apat na iba pa ang nanatiling nawawala ayon kay Encina.

Hindi pa rin batid ang dahilan ng insidente pero binigyang-diin ng PCG na hindi nila inaalis ang posibilidad ng stability problem sa barko.

Sa ngayon, muling iginiit ni Encina na walang senyales ng oil spill sa paligid ng katubigan kung saan tumaob ang barko.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang PCG sa mga coastal barangays na iulat kapag may nakita silang oil spill.

Ang Marine Environmental protection Enforcement Response Group-Southern Tagalog ay nauna nang nag-deploy ng 10 segments o 250 metro ng oil spill boom upang maiwasan ang posibleng oils spill mula sa barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden