Home OPINION MAY ‘MISSION ORDER’ BA, GEN. TORRE?

MAY ‘MISSION ORDER’ BA, GEN. TORRE?

108
0

SA pamamagitan ng pitak na ito, gusto nating malaman dito sa ating kaibigan na si Criminal Investigation and Detection Group director, PMGen. Nick Torre, kung “totoo” nga bang may ‘MO’ (mission order) mula (raw) sa kanyang tanggapan, ang ilang operatiba ng CIDG-National Capital Region na “sumawsaw” sa kaso nang isang Taiwanese businessman na inakusahan ng ‘rape of a minor’ nitong Pebrero sa Piskalya ng Olongapo.

Alam kasi nating masyadong ‘busy’ si Gen. Torre sa dami ng mga problemang kinakaharap ng CIDG bagaman alam natin na ugali niyang magbasa ng mga balita

Makailang beses na ring napabalita ang bintang laban sa nasabing Taiwanese na prominenteng ‘locator’ sa Subic Bay at natalakay na rin naman natin dito sa ating pitak.

Ang siste ngayon, “nahihirapan” na “umabante” ang kaso dahil nga sa halip na CIDG-Central Luzon, eh, mga operatiba ng CIDG-NCR ang umano’y “umeepal” sa isyu sa pangunguna nitong isang ‘Officer Evangeline.’

Malaking “hiwa” ng ‘pizza pie’ (as in. “pitsa”)— milyones– ang sangkot sa isyung ito, mga kabayan kaya hindi nakapagtataka kung bakit maraming gustong “makihati” rito, Gen. Nick. Ang “problema” nga lang siyempre, “sino” ba ang may ‘jurisdiction’ dito sa panig ng Philippine National Police, aber?

Teka, si PNP spox, PBGen. Jean Fajardo na rin ang Regional Director ng Central Luzon at kung “inalis” sa kanya ang paghawak sa kasong ito—na nagpapangit sa imahe ng Subic bilang ‘safe investment haven’– wala bang “tiwala” ang PNP at si Gen. Torre sa kakayahan ni RD Fajardo?

Mainam na agaran nang malaman ng mga partidong sangkot sa eskandalong ito kung ‘official’ ba ang pakikialam ng CIDG-NCR sa kasong ito para na rin bumilis ang proseso ng imbestigasyon at mabigyan ng hustisya ang mga sangkot, batay sa merito ng reklamo ng umano’y “biktima” at depensa ng akusado.

Habang hinihintay natin ang tugon ni Gen. Nick, wala tayong masasabi sa ngayon kundi, ‘good luck’ sa tsansa mong maging ‘next Chief PNP’ sa susunod na buwan!

‘Forget me not when you are in Paradise,’ hehehe!

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here