Home OPINION MAY PRINSIPYO SI SEN. IMEE

MAY PRINSIPYO SI SEN. IMEE

140
0

BAGO ang lahat, pakikiramay muna sa pamilya ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, sa pagpanaw ng kanyang minamahal na ina. Salamat din ES, sa mga suporta mo sa akin sa maikling panahon na naging “boss” kita.

‘Thanks, but no thanks,’ ang naging tugon ni Sen. Imee Marcos sa anunsiyo na “kasama” siya sa ‘senatorial lineup’ ng administrasyon bilang reeleksyonista sa 2025 midterm election.

Ayon kay Sen. Imee, ang panganay sa mga anak ni Pangulong Ferdinand Sr. at First Lady Imelda Marcos, mas nais niyang tumakbong ‘indepedent’ at patuloy na magsilibing “tulay” kay Pangulong BOngbong Marcos at iba pang mga grupo na kritikal ngayon sa kanyang administrasyon, kundi man tahasang “kaaway.”

May pasaring din si Sen. Imee sa mga personalidad na nakapaligid ngayon kay Pangulong Marcos na posibleng dahilan kung bakit sa panlasa ng iba, may mga “sablay” na desisyon ang Presidente.

Isa na rito ang ayon sa mga miron ay pagiging sobrang “masunurin” ni PBBM sa kapritso ng mga Kano at anila’y ‘persecution’ sa kampo ng dating administrasyon.

Kumbaga, kung ang mga grupo at personalidad lang din na mga ito ang kasalamuha ni Sen. Imee, eh, muli, thanks, but no thanks, hehehe!

Sadyang matapang at makikitang nakabatay sa prinsipyo ang desisyon ni Sen. Imee dahil ang makasama palang sa tiket ng administrasyon ay napakalaki ng “bentahe,” sa usapin ng makinarya at ‘logistics.’

Tandaan na ‘national’ ang kampanya ng mga senador kung saan kailangan mong mapuntahan ang pinakamalawak na bahagi ng ‘Pinas bago dumating ang halalan.

Kaya nga sadyang “sakripisyo” ang desisyon ni Sen. Imee na sa ating pagsipat ay deisyon na hindi naman niya pinagsisihan.

Suportahan natin siya!

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here