Home NATIONWIDE May sakit na OFWs sa HongKong, inayudahan ng DMW

May sakit na OFWs sa HongKong, inayudahan ng DMW

312
0

MANILA, Philippines – Ipinakita ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang pangako na protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagpapalabas ng halos P1 milyon na tulong pinansyal sa mga may sakit na migranteng mangaggawa sa Hong Kong.

Sa isang post sa social media, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ang MIgrant Workers Office (MWO) nito sa Hong Kong ay naglabas ng P949,136.47 sa 12 OFWs na dumaranas ng malubhang karamdaman sa ilalim ng Agarang Kalinga at saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan (AKSYON) Fund.

Sinabi ni Cacdac na ang mga benepisyaryo ay nasuri na may seryosong sakit gaya ng breast at cervical cancer, lymphoma at severe heart attack na nakatangap ng tig P75,000.

Diin ni Cacdac na binibigyang-diin ng inisyatiba ang patuloy na pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na maghatid ng agaran at epektibong tulong sa mga OFW na nasa kagipitan, na tinitiyak ang kanilang kaligtasan, seguridad at kagalingan.

Higit pa sa cash aid, sinabi ng kalihim na ang AKSYON Fund ay sumasaklaw din sa mga serbisyong legal, tulong medikal at repatriation, pagpapadala ng mga labi, at iba pang mga interbensyon.

Hinikayat ng DMW ang mga OFW sa Hong Kong na humingi ng tulong na bisitahin ang opisina ng MWO Hong Kong na matatagpuan sa ika-29 na palapag ng United Center sa Admiralty. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here