Home HOME BANNER STORY Mayon muling naglabas ng “uson,” walang ashfall na naitala

Mayon muling naglabas ng “uson,” walang ashfall na naitala

93
0
Photo Courtesy: Father Paulo Barandon

ALBAY, Philippines – Walang naitalang ashfall matapos muling maglabas ng pyroclastic density current (PDC) o “uson” ang Mayon Volcano nitong Martes ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Naganap ang PDC dulot ng pagguho ng lava sa Mi-isi gully sa timog-kanlurang bahagi ng bulkan alas-7:19 at alas-7:26 ng umaga.

Noong Mayo 2, isang kaparehong insidente ang nagdulot ng makapal na abo at usok na tumabon sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan, pati ilang bahagi ng Ligao City.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon, na nangangahulugang may matinding pag-aalburuto ng magma. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here