Home NATIONWIDE Mayor ng Estancia, NegOcc naghain ng reklamo vs konseho

Mayor ng Estancia, NegOcc naghain ng reklamo vs konseho

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo si Estancia Mayor Mary Lynn “Chic” Mosqueda laban sa vice mayor at mga miyembro ng municipal council nito dahil sa umano’y
abuse of authority at korapsyon, sinabi ni Atty. Oscar Tagamolila, legal counsel ng alkalde.

Si Mosqueda ay naghain ng reklamo laban kay Estancia Vice Mayor Mark Joseph Cordero at siyam iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) members, maging sa
Sangguniang Kabataan Federation president, Liga ng mga Barangay president, at SB secretariat.

Inihain ang reklamo sa Office of Deputy Ombudsman for the Visayas.

Ayon kay Atty. Tagamolila, nadiskubre ng alkalde ang mga kwestyonableng budget allocations, slashes, reductions at iba pa.

Ani Tagamolila, kasong administratibo ang posibleng kaharapin ng mga opisyal dahil sa umano’y abuse of authority, maging ang criminal case sa paglabag sa
Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Wala pang tugon ang bise alkalde at mga opisyal tungkol dito. RNT/JGC