Home ENTERTAINMENT McCoy, tiklop kay Elisse!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES McCoy, tiklop kay Elisse!July 21, 2024 17:021410 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Viral ngayon ang TikTok video na ibinahagi ni McCoy de Leon sa kanyang social media sharing platform.Sa clip, makikita si Elisse na maganang kumakain na tila unaware na kinukunan siya ng camera.Gayunpaman, sa kabila ng kapayakan ay lutang pa rin ang ganda ng aktres.Sa paglalarawan ni McCoy sa video, ibinida niya na inaway daw siya ni Elisse.Ngunit siya pa rin daw ang tiklop na nagpakumbaba at nag-sorry sa partner.Dagdag pa niya, pinakain pa nga raw niya si Elisse para umamo.Caption niya: “Yung inaway ka niya tapos Ikaw magso-sorry tapos ikaw pa nagpakain. Hayys!”Umani naman ng samu’t-saring reaksiyon at komento mula sa mga tagasubaybay ni McCoy ang nabanggit na clip sa kanyang TikTok account.Marami ang natuwa at humanga sa kanilang magandang samahan ni Elisse, habang ang iba naman ay naaliw sa katuwaan at pagmamahalan ng dalawa.May mga kinilig din sa ginagawang pag-pamper ni McCoy kay Elisse.As of this writing, umani na ng 363,000 likes ang trending na video. Archie Liao