Magsasagupa sa isang exhibition match sina dating two-division UFC champion Conor McGregor at World Wrestling Entertainment (WWE) star Logan Paul sa 2025.
Ayon sa ulat, nagkasundo ang dalawang kampo na gawin ang laban sa India at maglalaban sa ilalim ng boxing rules.
Base sa ulat, mismong si McGregor ang nag-anunsyo sa naturang laban ngunit sa kasalukuyan ay nananatiling limitado pa ang impormasyong inilalabas ukol dito.
Ayon sa UFC star, kasalukuyang siyang nakikipag-usap sa pamilya ng bilyonaryong si Mukesh Ambani na siyang nag-sponsor sa naturang laban.
Sa kasalukuyan, hawak ni McGregor ang record na 22-6-0. Sa 22 laban na kaniyang naipanalo, 19 dito ay pawang mga knockout.
Si Paul ay isang Youtuber na kamakailan ay pumasok sa boxing. Mula nang pasukin ang naturang sport, apat na beses na siyang lumaban; pinakamalaki rito ay laban kay undefeated champion, Floyd Mayweather Jr.JC