Home NATIONWIDE Meningtobong tribal student-scholars naghain ng reklamo vs CHED Chief sa Ombudsman

Meningtobong tribal student-scholars naghain ng reklamo vs CHED Chief sa Ombudsman

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang ilang katutubong estudyante laban kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero “Popoy” De Vera dahil sa hindi pagbibigay sa kanilang  scholarships benefits.

Sampung Menitobong tribal  students scholars mula sa South Cotabato ang naghain ng patong patong na reklamong negligence of duties, paglabag sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business, grave abuse of power at moral injury laban kay de Vera.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa P10.3 billion higher educational  development fund nq alokasyon para sa libreng tuition at living allowance sa mga student scholats sa ilalim ng  Republic Act (RA) 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

“We strongly assert that the concerned government agencies, specifically the Commission on Higher Education under the chairmanship of Mr. Prospero De Vera III shall be held liable for his utter failure to provide and release to us (student scholars) our living allowances for the period covering SY 2021-2022, 2022-2023 and 2023-2024,” nakasaad sa apat na pahinang joint affidavit-complaint na isinampa sa Ombudsman noong Abril 15.

Giit ng mga estudyante walang kapasidad ang kanilang mga magulang na itaguyod ang kanilang pag aaral kaya naman ang tanging inaasahan nila ay ang libreng pag aaral at ang  living allowances na alok ng gobyerno ngunit sa ilalim ni de Vera ay hindi nila ito natatanggap.

Umapela rin ang mga estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos gayundin sa Kongreso na aksyunan ang malaking problema na kanilang kinahaharap dahil sa hindi magandang liderato sa CHED.

Sa ilalim ng  RA 10931, ang isang student scholar ay may libreng tuition,  school fees subsidy at P20,000 living allowance kada semester.

Sa Kamara ay una nang kinuwestiyon ni Northern Samar Rep. Paul Daza kung paano ginastos ng CHED ang P10.3 billion pondo, hiniling ni Daza na magkaroon ng internal audit dahil maraming estudyante ang hindi nakatanggap ng scholarahip benefits subalit naubos ang pondo.

“Those are earmarked funds by law and cannot be used outside of its specified purpose .I am really disappointed with CHED. The President probably should order an internal review of the CHED’s performance, the attrition rate, drop out rate of Filipino students,”  nauna nang pahayag ni Daza.

Nangangamba ang mga katutubong estudyante na kung hindi maibibigay ang kanilang benepisyo ay mabigo sipang mag-graduate sa 2025.

Nabatid na sa 10 student complainant, 3 ang kumukuha ng kursong early childhood education, dalawa ang   tourism management habang ang 5 ay  nag aaral bf  information technology, criminology, social work, English at business administration. Gail Mendoza