Home NATIONWIDE Mga armas nasamsam sa abandonadong pugad ng NPA sa SoCot

Mga armas nasamsam sa abandonadong pugad ng NPA sa SoCot

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga pwersa ng pamahalaan ang samu’t saring armas at materyal mula sa abandonadong pugad ng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng South Cotabato.

Ang hepe ng Western Mindanao Command (Wesmincom) na si Lt. Gen. William Gonzales, sa isang pahayag noong Lunes, sinabi ng mga sundalo mula sa 5th Special Forces Battalion na natuklasan ang hideout ng NPA sa panahon ng patrol operations sa Sitio Demamis, Barangay Lacunon, bayan ng T’boli noong Hunyo 8 .

Sinabi ni Gonzales na ang pugad ay pinaniniwalaang inabandona ng mga rebelde sa ilalim ng isang lider na kinilalang si alyas “Macmac,” target ng kamakailang serye ng mga operasyon na isinagawa ng 1st Mechanized Brigade.

Narekober mula sa pugad ang isang M-16 rifle, isang M-16 magazine, isang firing pin, isang trigger mechanism, tatlong cellular phone, dalawang jungle hammock, tatlong ponchos, isang bandolier, medical paraphernalia at binocular.

Ang mga operasyon sa pagtugis ay patuloy sa ngayon. RNT