Home NATIONWIDE Mga benepisyaryo ng 4Ps magiging miyembro ng SSS – DSWD

Mga benepisyaryo ng 4Ps magiging miyembro ng SSS – DSWD

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na titiyakin nito na ang lahat ng household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay magkakaroon ng secured insurance coverage ang mga beneficiaries sa pamamagitan ng Social Security System (SSS) bago pa man makagraduate ang mga ito sa programa.

“Actually kasama po iyan sa programa po natin. Sa ginagamit nating panukat iyong Social Welfare and Development Indicator (SWDI) natin, kasama talaga iyan na ma-insure [para] bago mag-graduate sa 4Ps mayroon siyang security o insurance,” sabi ni 4Ps National Program Manager and Director Gemma Gabuya.

Ayon kay Director Gabuya ang nasabing inisyatibo ay parte pa rin ng commitment ng DSWD upang matiyak na magkakaroon ng financial security at sustainability ang bawat 4Ps beneficiaries bago mag-exit sa programa.

“Ito ang gusto natin. Iyong sinasabi nating pagtataguyod. Kailangan ang 4Ps pagpasok niya sa programa magkaroon sya ng pagkakakitaan, self-employment o employed. Ni-rerequire talaga namin sila [na magpa-member sa SSS]. Part ng aming panukat [sa estado ng pamilya] ay magkaroon ng insurance, mag-avail ng SSS,”paliwanag pa ng 4Ps national program manager.

Sinabi pa ni Gabuya, “Kasi di ba meron na silang income. Mayroon na silang trabaho. Iyon naman ay lahat ng may income, self-employed man o employed ay talaga open ang SSS for its membership. So ine-encourage namin sila.”

Idinagdag pa ng 4Ps national program manager kasalukuyan pang inaayos ng DSWD at SSS ang posibilidad na magkaroon o mabigyan din subsidies ang mga myembro sa panahon ng kalamidad. Santi Celario