Home HOME BANNER STORY Mga buto ng tao narekober sa Taal Lake – Torre

Mga buto ng tao narekober sa Taal Lake – Torre

253
0

MANILA, Philippines – Mula sa tao ang ilan sa mga narekober na buto mula sa Taal Lake, kasabay ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III nitong Lunes, Hulyo 14.

“Halo-halo ‘no kasi alam niyo naman may farm diyan sa lugar na ‘yan. May farm, ang Taal ay farming ‘yan. So andiyan na lahat ng makikita natin. May mga na-recover na mga animal remains. May human,” ani Torre.

“Mix-mix na ang ating mga tinitingnan ngayon. Kaya kasama sa ating processing diyan ang mag-differentiate kung ito ba ay animal origin o human origin,” dagdag pa niya.

Nasa kabuuang limang sako mula sa hinihinalang mga buto ng tao ang narekober mula sa Taal Lake mula pa noong Huwebes.

Noong Huwebes ay nagsagawa ng assessment ang Philippine Coast Guard sa lugar bago ang opisyal na search and retrieval operations.

Tinitingnan na rin ng mga awtoridad ang “fishpond lease” ng isa sa mga suspek sa imbestigasyon na ikinokonsidera ring “ground zero” ng operasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here