MANILA, Philippines – Paalala ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng rehistradong dayuhan sa Pilipinas na sumunod sa 2026 Annual Report alinsunod sa Alien Registration Act.
Dapat mag-report ang mga dayuhan nang personal sa BI mula Enero 1 hanggang Marso 1 o gamitin ang virtual Annual Report system na bukas 24/7 sa BI e-services portal.
Kailangan dalhin ang valid ACR I-Card o paper-based ACR, pasaporte, at resibo ng bayad para sa nakaraang Annual Report.
Ang hindi pagsunod ay maaaring magdulot ng multa o kaso.
Dapat maayos ng mga dayuhang aalis ang kanilang Annual Report obligations bago makakuha ng Emigration Clearance Certificate (ECC-B). Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang e-services.immigration.gov.ph. Dave Baluyot