Home NATIONWIDE Mga deboto dagsa na sa Quiapo sa pagpapabasbas ng mga replika

Mga deboto dagsa na sa Quiapo sa pagpapabasbas ng mga replika

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Nagtungo ng maaga ang ilang mga deboto sa Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila para sa gagawing pagbabasbas ng mga replika bandang alas-1:30 ng hapon

Upang hindi maipit sa posibleng pagsikip ng daloy ng trapiko, ang Ilan sa kanila ay Miyerkoles, Enero 1 pa ng gabi nagtungo sa Quiapo at nagpalipas na ng buong magdamag sa Carriedo at Carlos Palanca Street upang paghandaan ang naturang aktibidad.

(c) Crismon Heramis

Mula pa sa ibat-ibang lugar ang karamihan sa mga deboto na maagang dumating sa Quiapo kasama ang kanilang kaibigan at kaanak na kapwa deboto.

Para maging maayos ang proseso, umaalay sa kanila ang mga miyembro ng Hijos del Nazareno habang mahigpit na nagbabantay ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD).(Jocelyn Tabangcura-Domenden)