MANILA, Philippines – Makatatanggap ng hanggang P12,000 ang mga miyembro ng Electoral Board na maglilingkod sa special polls sa Agosto 29 sa Fourth Legislative District of Cavite, ayon sa
Sa Resolution No. 11257, sinabi ng Commission en banc na ang honorarium para sa EB chairpersons ay P12,000; EB members, P11,000; at EB support staff ay P5,000.
“The chairperson and members of the EB shall be entitled to compensation depending on their designation, which is inclusive of honoraria, travel, communication and meal allowances,” saad sa resolusyon.
Babayaran ang honoraria at allowances sa loob ng 15 calendar days mula sa araw ng special election.
Makakakuha rin ang EB chairperson at mga miyembro nito ng fixed service credit na 10 calendar days.
Mayroong 1,308 clustered precincts sa Cavite special polls, na pangangasiwaan ng EB composed na binubuo ng chairperson, poll clerk at third member.
Nauna nang sinabi ng Comelec na nag-donate ang lokal na pamahalaan ng DasmariƱas City ng P50 milyon para sa bahagi ng budget na inilaan para sa honorarium ng poll workers na nagkakahalaga ng mahigit P76 milyon.
Ang special polls ay gagawin upang punan ang nabakanteng pwesto ni dating Francisco Barzaga Jr., na inalis sa pwesto noong Hunyo dahil sa “disorderly behavior, conduct unbecoming of a member, and violations of the House Code of Conduct.”
Tumatakbo ang limang kandidato para sa congressional seat na sina Raul Rex Mangubat, Marvin Dupal-ag, Leysander Ordenes, Jacinto Frani Jr., at DasmariƱas Mayor Jennifer Barzaga, ang ina ng pinatalsik na mambabatas.
Si Mayor Barzaga ay nasa ikatlo at huling termino na. RNT/JGC