Home IN PHOTOS Mga lokal na kusinero nagpasiklaban sa 10th Urban Gardening and Cooking...

Mga lokal na kusinero nagpasiklaban sa 10th Urban Gardening and Cooking Competition

260
0
NAGPAKITA ng kanilang mga talento sa pagluluto ang mga lokal na kusinero mula sa iba’t ibang Barangay ng Las Piñas sa ika-10 Urban Gardening and Cooking Competition na inorganisa ng Villar Foundation sa Agosto 29, 2025, sa Pulang Lupa Uno.Layunin ng taunang paligsahan na itampok ang pagsisikap ng lungsod tungo sa sapat na suplay ng pagkain at urban agriculture, sa pamamagitan ng paghikayat sa mga residente na gawing produktibong taniman ang maliliit na espasyo.Hinahamon din ang mga kalahok na maghanda ng mga putahe gamit ang mga sangkap na mula mismo sa kanilang bakuran o mga community garden.Dumalo sa okasyon ang Managing Director Former Senator Cynthia Villar, Senator Camille Villar at ilang local officials ng lungsod. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here