MANILA, Philippines – Agad na umaksyon si Laguna Governor Sol Aragones, kasama si Los Baños Mayor Niel Nocon at mga opisyal ng Meralco at Department of Public Works and Highways, upang ipatanggal ang mga lumang poste ng kuryente sa kahabaan ng kalsada sa Los Baños.
Layunin ng hakbang na mapaluwag ang trapiko sa pamamagitan ng pagbubukas ng lahat ng 3 lanes ng daan. Aabot sa higit 50 poste ang nakatakdang alisin sa buong National Road ng Laguna bilang bahagi ng traffic decongestion effort ng pamahalaang panlalawigan. RNT