MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kasamahan na magtatapos na ang termino sa 19th Congress kasabay ng pagkilala sa kanilang mga kontribusyon, serbisyo-publiko at pagkakaibigan sa Senado.
“Thank you to all senators who are ending their terms this year. I know how difficult it is to stand up every day for the Filipino people — especially during times of crisis, intense debates, or even disagreements. But despite all of that, we stood together with one shared goal: to serve, to make a difference, and to uplift the lives of our fellow Filipinos,” pahayag ni Go.
“It has been an honor to work with all of you — not just as lawmakers, but as public servants who truly care for the nation. Each of you brought something unique to this chamber, and I will always value the moments we worked side by side to pass laws that benefit the Filipino people,” dagdag ng senador.
Kabilang sa mga magtatapos na ang termino ay sina Senators Francis Tolentino, Cynthia Villar, Nancy Binay, Grace Poe, Aquilino Pimentel III, at Ramon Revilla Jr.
Sa kanilang valedictory speeches ay binanggit naman ng mga gagradweyt na senador ang naging performance ni Go — partikular ang kanyang pagsisikap sa pangangalagang pangkalusugan — lalo ang naging magandang epekto ng Malasakit Centers sa mamamayang Filipino.
“To our three Mindanao champions, (Ronald) Bato (dela Rosa), Bong (Go), and Robin (Padilla), thank you for fiercely advocating for Mindanao’s people and their concerns,” sabi ni Poe.
“Senator Bong, ang Malasakit Centers mo, marami talaga ang hindi nakakalimot n’yan.”
Samantala, hiniling ni Sen. Pimentel sa kanyang mga kasamahan, lalo kay Sen. Go, na isulong ang ilan sa kanyang mga panukala.
“So iwan ko na lang po sa inyo bilang pakiusap ko ang mga panukalang batas na na-file ko na sumasalamin sa aking mga personal na adbokasiya, kabilang dito ang pagtatag ng ospital para sa mga senior citizens,” ani Pimentel.
“Sana si Sen. Bong Go… Ang modernization ng Philippine Orthopedic Hospital. Ito, pag-isipan n’yo po ito nang mabuti.”
Si Senador Cynthia Villar, sa kanyang talumpati, ay mainit ding nagpasalamat sa mga kapwa senador.
“Sa aking mga kapwa Senador, salamat sa inyong pagkakaibigan, pakikipagtulungan, at maraming makabuluhang sandali na ating pinagsaluhan sa serbisyo. Ako ay masuwerte na nakatrabaho ko kayong lahat,” sabi ni Villar.
Sa papalapit na pagtatapos ng ika-19 Kongreso, ang sesyon ay nagsilbi, hindi lamang bilang isang pamamaalam, kundi sandali ng pagkilala sa isa’t isa at pagpaparangal ng kani-kaniyang legasiya. RNT