Home NATIONWIDE Mga mambabatas humiling ng imbestigasyon sa Pax Silica initiative

Mga mambabatas humiling ng imbestigasyon sa Pax Silica initiative

1
0

MANILA, Philippines — Nanawagan ang apat pang mambabatas ng imbestigasyon sa Kamara kaugnay ng US-led Pax Silica initiative dahil sa posibleng epekto nito sa kapaligiran, ekonomiya, lipunan, at pamamahala.

Inihain nitong Martes nina Akbayan Party-List Reps. Percival Cendana, Chel Diokno, at Dadah Kiram Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, ang isang resolusyong humihiling ng pagdinig hinggil sa initiative at sa panukalang Economic Security Zone.

Binanggit ng mga mambabatas ang “legitimate concerns regarding the possible environmental, social, and governance implications of the initiative.”

Itinampok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pax Silica sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes, at sinabing magtatatag ito ng “an advanced manufacturing and logistics center” na lilikha ng trabaho at magpapalakas sa ekonomiya.

Nagbabala naman ang mga scientist, environmental group, at farm worker na ang planong pagtatayo ng artificial intelligence data centers sa iminungkahing lugar sa Capas, Tarlac, ay maaaring magpahirap sa suplay ng tubig, makasira sa ecosystem, at magpalikas sa mga katutubong komunidad ng Aeta.

Layunin ng resolusyon na atasan ang Bases Conversion and Development Authority, Board of Investments, Department of Foreign Affairs, at iba pang ahensya na magsumite ng mga dokumento at kasunduang may kaugnayan sa Pax Silica at sa panukalang economic zone.

Ayon sa mga mambabatas, makatutulong ang mga pagdinig sa pagbuo ng mga batas upang matiyak na “any participation in the Pax Silica Initiatives advances democratic and nationally directed industrialization” habang pinoprotektahan ang mga manggagawa, kababaihan, komunidad, at kapaligiran.

Nauna nang naghain noong Hunyo sina ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago, at Kabataan Party-List Rep. Renee Co ng resolusyon para sa mga pagdinig hinggil sa Pax Silica. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here