
MANILA, Philippines – PINAG-AARALAN na ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang pagsasampa ng legal na aksyon laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang empleyado ng BI.
Ito ang ipinahayag ni Tansingco matapos makatanggap ng impormasyon nitong Miyerkules na iniimbestigahan ng pulisya ang isang Marion Badando dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagkidnap sa apat na dayuhan.
Sinabi ng mga awtoridad na ipinakilala ni Badando ang kanyang sarili bilang isang immigration officer at isang abogado, at nananatiling nagtatago matapos ma-tag bilang bahagi ng sindikato ng kidnapping.
“We have received reports that this individual has been using the name of the Bureau of Immigration to extort foreigners,” ani Tansingco. “We are studying filing cases against him and his cohorts to serve as a warning not to besmirch the agency’s name,” dagdag pa ng opisyal.
Binigyang-diin ni Tansingco ang bigat ng sitwasyon, binanggit na ang mga naturang aksyon ay hindi lamang nakakasama sa mga biktima kundi nakakasira din sa reputasyon ng Bureau of Immigration.
“The integrity of our institution is paramount. We will not tolerate any actions that undermine the trust placed in us by the public and our stakeholders,” ani Tansingco.
Batay sa rekord ng BI, sinabi ni Tansingco na si Badando ay hindi, at hindi kailanman naging, isang empleyado ng BI.
“Our internal checks have validated that this person has no official connection with the Bureau, and his claims are entirely fraudulent,” giit ni Tansingco.
Pinayuhan naman ni Tansingco ang mga indibidwal na i-verify ang mga kredensyal ng sinumang nagsasabing isang empleyado ng BI sa pamamagitan ng mga opisyal na channel.
“We urge the public to remain cautious and to report any suspicious activities to the authorities immediately,” panawagan ni Tansingco.
Nagpahayag ng pasasalamat si Tansingco sa pulisya sa kanilang patuloy na pagsisikap na matunton at madakip ang mga suspek.