MANILA, Philippines- Hindi na mahulugang-karayom ang dami ng tao na nakiisa sa gaganaping religious activity ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Manila ngayong Lunes, Enero 13.
Sa crowd estimate ng pulisya, nasa 800,000 na ang nagtungo sa sa Luneta para ‘National Rally of Peace.’
Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga miyembro ng INC kung saan sa mga kalye partikular sa kahabaan ng Taft Avenue ay napakahaba pa ng mga naglalakad patungong Luneta.
Ang naturang crowd estimate ay bilang hanggang alas-9 ng umaga.
Pinayuhan na ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang matinding pagbagal ng daloy ng trapiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden