Home NATIONWIDE Mga nasunugan sa Tanauan, Leyte nirespondehan ni Bong Go

Mga nasunugan sa Tanauan, Leyte nirespondehan ni Bong Go

MANILA, Philippines – Binisita ng Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go ang Barangay Sto. Niño sa Tanauan, Leyte upang magbigay ng kinakailangang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Batay sa direktiba ng senador, ang Malasakit Team ay nakipag-ugnayan sa komunidad habang inihahayag ang kanyang panawagan para sa patuloy na pagbabantay laban sa sunog at matatag na suporta sa pabahay.

Ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya na nawalan ng tirahan sa sunog ay ginanap sa barangay gymnasium.

“Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Ang gamit po, napapalitan, pero ang buhay ay hindi. A lost life is a lost life forever. Magtulungan lang po tayo, sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo kapwa Pilipino. Magseserbisyo ako sa inyo sa abot ng aking makakaya,” sabi ni Go sa kanyang video message.

Pinuri ni Go ang kritikal na papel ng mga pinuno ng barangay sa panahon ng krisis. “Isa lang po ang pakiusap ko sa mga barangay officials: ‘Wag pabayaan ang mga kababayan nating mahihirap. Bukas dapat palagi ang inyong tanggapan tuwing may nangangailanbgan.”

Kilala sa kanyang pro-poor legislative work, iginiit ni Go ang kanyang pangakong patuloy isusulong ang pagbibigay ng tirahan sa mga komunidad na naapektuhan ng sunog.

Inihain niya ang Senate Bill No. 192, na nagmumungkahi ng pagtatatag ng Rental Housing Subsidy Program para sa mga biktima ng kalamidad. Ang panukala ay naglalayong magbigay ng pansamantalang tulong sa tirahan habang ang mga apektadong pamilya ay lumilikas sa permanenteng pabahay kung maisasabatas.

Binanggit din niya ang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act of 2021, na pangunahin niyang inakda at co-sponsor. Pinalalakas ng batas ang kakayahan ng BFP sa pagtugon sa mga emergency na may kaugnayan sa sunog sa pamamagitan ng pinahusay na pagsasanay, at karagdagang kagamitan, pasilidad at tauhan.

Binanggit dinsenador ang Republic Act No. 12076 o ang Ligtas Pinoy Centers Act, na siya rin ang pangunahing nag-akda at nag-co-sponsor. Ang batas ay nag-uutos ng pagtatatag ng permanente, disaster-resilient evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad.

Samantala, pinasalamatan ni Go ang suporta ni Mayor Gina Merilo at Barangay Captain Alex Miralles sa pag-organisa ng aktibidad para matiyak na ang tulong ay makakarating sa mga biktima ng sunog. RNT