Home METRO Mga pamilyang nasalanta ng baha sa M’danao inayudahan ng DSWD

Mga pamilyang nasalanta ng baha sa M’danao inayudahan ng DSWD

278
0

MANILA, Philippines – Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development ng ₱2.1 milyon halaga ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng malalakas na pag-ulan at pagbaha sa Mindanao dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Apektado mula Mayo 15–18 ang mga rehiyon ng Region 9, 10, 11, 12, at BARMM.

Namahagi ang DSWD ng family food packs (FFPs) sa mga lugar tulad ng Carmen, Cotabato (376 pamilya) at sa mga bayan ng Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte (1,315 kahon ng FFPs).

Ayon kay DSWD spokesperson Asst. Sec. Irene Dumlao, patuloy ang koordinasyon sa mga LGU alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr.

Mayroong ₱12 milyon standby funds at mahigit 419,000 FFPs na handang gamitin para sa disaster response. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here