Home NATIONWIDE Mga pasahero ng barko istranded sa sama ng panahon

Mga pasahero ng barko istranded sa sama ng panahon

157
0

MANILA, Philippines – Stranded na ang halos isang daang pasahero sa mga pantalan dahil sa mga kanseladong byahe dulot ng masamang panahon.

Sa tala ng Philippine Ports Authority (PPA), partikular na apektado ang pantalan sa Bicol Region, Masbate, Leyte/Biliran, Davao at Negros Occidental – Bacolod Banago Bredco.

Ayon sa PPA, ang kanselasyon ng byahe ay dahil na rin sa umiiral na Typhoon ‘Carina’ na nagpapalakas ng habagat.

Pinayuhan ng PPA ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa nasabing shipping line para sa karagdagang impormasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here