MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga P ilipino na manatiling alerto at iwasan ang ilang lugar malapit sa Beirut matapos na maglunsad ng air strikes ang Israel.
“Multiple explosions were reported in the southern suburbs of Beirut due to a targeted Israeli military strike on Hezbollah’s headquarters on the evening of 27 September 2024,” ang nakasaad sa abiso ng Embahada.
“The Philippine Embassy urges all Filipino nationals in the area to remain vigilant. Please avoid the southern suburbs of Beirut and any other previously mentioned areas in prior advisories,” dagdag na pahayag ng Embahada.
Muling iginiit ng Embahada sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pag-alis sa Lebanon sa gitna ng laban sa pagitan ng Israel at Lebanon-based Hezbollah.
“The Embassy reiterates the importance of considering departure from the country, especially for undocumented Filipino nationals, as this involves coordinating with Lebanese authorities to secure an exit clearance,” pagbibigay-diin ng Embahada.
Sa kabilang dako, para naman sa mga Pilipinong may katanungan o nangangailangan ng tulong, maaaring kontakin ang Embahada o ang Migrant Workers Office (MWO-Lebanon) sa mga sumusunod na numero:
Embassy ATN hotline (para sa mga permanenteng residente): 70 858 086
Migrant Workers Office hotline (para sa lahat ng mga manggagawa): 79 110 729