Home NATIONWIDE Mga puno ‘wag lagyan ng Christmas lights – DENR

Mga puno ‘wag lagyan ng Christmas lights – DENR

265
0

MANILA, Philippines – Bilang pagdiriwang ng Kapaskuhan, nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources-NCR (DENR-NCR) sa publiko na iwasang balutin ng Christmas lights ang mga puno, dahil maaari itong makasama sa urban greenery at sa mga hayop na naninirahan sa mga puno.

“Ang pagbalot ng ilaw sa puno ay maaaring makasakal sa mga sanga at puno… Dumidikit ang mga wires at plastik, na maaaring magdulot ng sugat sa puno at posibleng maging daan ng impeksyon o pagkamatay nito,” ayon sa ahensya, at binanggit din na maaaring maistorbo ang mga ibon, insekto, at iba pang hayop na umaasa sa puno bilang tirahan.

Binanggit din ng DENR-NCR ang panganib ng sunog dulot ng magulong wires o sira-sirang installation lalo na sa abalang panahon ng holiday season.

Bagaman walang batas na nagbabawal dito, ang paalala ay nagsisilbing preventive measure para sa kaligtasan at proteksyon ng mga puno. Hinihikayat ang publiko na gumamit ng eco-friendly na alternatibo, tulad ng pag-iilaw sa bahay at kalsada.

“Ngayong Kapaskuhan, ipakita ang pagmamahal hindi lang sa kapwa kundi pati sa kalikasan. Iwasan ang paglalagay ng Christmas lights sa mga puno upang maiwasan ang aksidente, sunog, at pagkasira ng ating urban greenery,” pagtatapos ng DENR. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here