Home METRO Mga rally laban sa katiwalian nakatakda sa Cebu, iba pang mga lugar...

Mga rally laban sa katiwalian nakatakda sa Cebu, iba pang mga lugar mula Setyembre 15 – 21

321
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo laban sa katiwalian sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects mula Setyembre 15 hanggang 21.

Nasa ibaba ang listahan ng mga paparating na aksyong masa:

Setyembre 15

  • University of the Philippines (UP) Cebu Day of Indignation

Ang mga kawani, mag-aaral, at guro ng UP Cebu ay iniimbitahan na lumahok sa “collective expression of vigilance, solidarity, and service to the people” sa UP Cebu grounds sa kahabaan ng Gorordo Avenue alas-8 ng umaga, sabi ng institusyon.

  • Polytechnic University of the Philippines (PUP) Black Monday Protest

Inanunsyo ng PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan na magsasagawa ito ng kilos protesta sa PUP Gate alas-2 ng hapon para itulak ang katiwalian, at ipanawagan ang mas mataas na alokasyon ng badyet para sa PUP, ibang mga unibersidad ng estado, at mga lokal na kolehiyo.

Setyembre 17

  • 3-day nationwide transport strike

“It is unacceptable that these things are happening while we are mired in poverty and disaster caused by their theft,” sinabi ng transport group na MANIBELA habang nag-anunsyo ng transport strike mula Setyembre 17 hanggang 19 bilang pakikiisa sa iba pang protesta laban sa katiwalian.

Setyembre 18

  • People’s Rally Laban sa Katiwalian

Mga residente ng San Fernando, Pampanga ay magsasagawa ng rally laban sa korapsyon pagkatapos ng misa sa Metropolitan Cathedral of San Fernando alas-2 ng hapon.

  • Piston transport strike

Inanunsyo ng public transportation group na PISTON na magsasagawa ito ng transport strike bilang parte ng isang kilos protesta laban sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Setyembre 21

  • Bilyon People March

Ilang grupo sa buong bansa, kabilang ang mga grupo ng kabataan ang nanawagan ng partisipasyon sa malawakang protesta na isasagawa sa Rizal Park alas-9 ng umaga sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

“Bayan will be mobilizing its forces in Luneta in the morning to join various groups… in demanding truth, accountability, and justice against the masterminds and perpetrators of the flood-control scandal and large-scale corruption in the bureaucracy,” saad ng Bagong Alyansang Makabayan sa isang pahayag na iniendorso ang kilos protesta sa Setyembre 21.

Samantala, maraming hindi pa kumpirmadong protesta ang kumakalat din online, kabilang ang isang rally sa harap ng tirahan nina Pacifico at Sarah Diacaya ngayong Setyembre 15. Ang Discayas ay may sariling mga construction firm na nauugnay sa mga maanomalyang proyekto sa pagkontrol sa baha.

Sa Baguio City, nagsagawa rin ng protesta laban sa katiwalian ang ilang mga progresibong grupo kasama ang alkalde ng lungsod na si Benjamin Magalong.

Nagsimula rin ang isang protesta sa House of Representatives sa pagdinig ng kongreso sa budget ng DPWH. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here