Home NATIONWIDE Mga residente sa Hinatuan, Surigao del Sur inilikas na sa banta ni...

Mga residente sa Hinatuan, Surigao del Sur inilikas na sa banta ni Basyang

209
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang preemptive evacuations bilang paghahanda sa epekto ng Tropical Storm Basyang na inaasahang magla-landfall ngayong Huwebes, Pebrero 5 o bukas, araw ng Biyernes.

Sa ulat, nagsagawa ng preemptive evacuation ang Hinatuan LGU sa limang island barangay target ang 500 hanggang 700 pamilya.

Ayon kay Hinatuan Mayor Atty. Tito Cañedo III, kung hindi magbabago ang direksyon at lakas ng hangin ng bagyo at tatama sa kanilang bayan, ipatutupad na ang forced evacuation.

Samantala, sinuspinde rin ang pasok sa mga paaralan sa naturang bayan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here