Home METRO Mga residente sinaklot ng sindak sa tanghaling sunog sa Makati

Mga residente sinaklot ng sindak sa tanghaling sunog sa Makati

156
0

NABALOT ng takot at kaba ang mga residente ng Bgy. Pio del Pilar, sa Makati City sa katanghaliang tapat na sunog na nagsimula ng 11:45 am.

Labing Isang pamilya na binubuo ng 33 indibidwal, katorse rito ay pawang lalaki, at ang iba ay babae, isang buntisĀ  apat na bata, at tatlong miyembro ng LGBTQ ang apektado ng 30 minutong sunog sa Gerry St. kanto ng Arguelles St.

Idineklarang naapula ang sunog bandang 12:16 tanghali makaraang mabilis na nakaresponde ang 11 firetruck na maagap nabombahan ng tubig, at Isang ambulansya.

Wala namang iniulat na nasaktan sa mga biktima ang Bureau of Fire Makati City. (Dave Baluyot)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here