Home NATIONWIDE Mga tauhan ng PCG tutulong sa voting centers sa BARMM

Mga tauhan ng PCG tutulong sa voting centers sa BARMM

265
0

MANILA, Philippines – Magtatalaga ang Commission on Elections (Comelec) ng mga tauhan mula sa Philippine Coast Guard (PCG) bilang reserve Electoral Board (EB) members sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gaganapin sa Oktubre 13.

Ito ang pahayag ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino sa pinakahuling pagpupulong sa pagitan ng election monitoring group na Independent Election Monitoring Center at mga opisyal ng Comelec.

Ani Ferolino, nasa 1,000 maritime security force ang sasanayin para mangasiwa sa eleksyon sa mga presinto.

Ito ay upang magbigay-daan sa pulisya na karaniwang nagpapatakbo sa mga polling center, na tumutok sa seguridad ng pagsasagawa ng eleksyon.

Ang pagsasanay para sa mga tauhan ng PCG ay magsisimula sa susunod na linggo sa tulong ng Department of Science and Technology, upang masiguro na ang mga tauhan ay may sapat na kaalaman para magsilbing miyembro ng EBs.

“The participation of coast guard personnel as electoral board members is a significant development, as it will allow the police and the Army to focus more on ensuring election security,” sinabi ni Ferolino.

Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Comelec na ipatutupad ang ganitong pamamaraan.

Wala pang anunsyo ang Comelec sa mga eksaktong lugar kung saan itatalaga bilang special EB members ang mga tauhan ng coast guard. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here