Home NATIONWIDE Mga tumulong sa pagtatago ng DPWH officials na may arrest warrant iimbestigahan

Mga tumulong sa pagtatago ng DPWH officials na may arrest warrant iimbestigahan

310
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na may ilang personalidad ang tumulong sa pagtatago ng mga DPWH Engineer na may warrant of arrest ng Sandiganbayan.

Kasunod ito ng pagkakaaresto ng NBI kay DPWH MINAROPA Engr. Dennis Pelo Abagon, Chief Quality Assurance and Hydrology Division na nasakote sa Sikatuna Village, Quezon City nitong Linggo na sinasabing pag-aari umano ng isang pulitiko.

Sinabi ni NBI OIC-Director Atty. Angelito Magno na pansamantala munang nakakustodiya si Abagon sa NBI detention facility habang hinihintay ang court order kung saan siya ikukulong.

Pero pagtitiyak ng opisyal na walang special treatment para sa akusado.

Nanawagan din si Atty. Magno sa iba pa na kusang loob na lang na sumuko pero tiniyak din niya na hindi sila titigil sa pagtugis para mapanagot sa batas ang mga isinasangkot sa flood control anomaly. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here