Home ENTERTAINMENT Michelle Dee, sumailalim sa appendectomy!

Michelle Dee, sumailalim sa appendectomy!

1
0

Manila, Philippines – Sumailalim sa appendectomy ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee.

Ito’y nang makaranas siya ng matinding abdominal pain.

Ibinahagi ni Michelle sa isang livestream sa kanyang TikTok account ang detalye ng kanyang pinagdaanan.

Aniya, on the way na raw siya sa photo shoot kasama ang photographer na si BJ Pascual nang sumakit ang bandang pelvic area niya.

Agad siyang isinugod sa ospital kung saan sumailalim siya sa CT scan—doon natuklasang nababarahan ng stones ang kanyang appendix.

Ramdam daw niya’y para siyang sinasaksak sa tindi ng sakit.

Tatlong stones daw pala ang nakabara, gayong isa lang ang na-detect sa CT scan.

Inabot daw ng isa hanggang dalawang oras ang isinagawang operasyon.

Sa isang hiwalay na post, makikita ang larawan ni Michelle na bagama’t nakaratay sa hospital bed ay nakangiti naman.

Ang emergency case ni Michelle ay ilang araw bago ang kanyang laban sa Miss Grand International (MGI) All Stars sa Thailand sa December 12.

Kering-keri, Michelle!

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here