Home ENTERTAINMENT Michelle, lumipad na patungong El Salvador; Pamilya’t mga kaibigan, sasama!

Michelle, lumipad na patungong El Salvador; Pamilya’t mga kaibigan, sasama!

Manila, Philippines – In full force ang pamilya’t mga malalapit na kaibigan ni Michelle Dee as she competes in the Miss Universe on November 18 in El Salvador.

Yes, bibiyahe ang partido ni Michelle para personal na saksihan ang kanyang laban.

Kahapon, October 31, umalis si Michelle bound for Los Angeles, California.

Doon siya manggagaling en route to El Salvador.

Forty eight years ago, ang El Salvador ang naging host country ng MU kung saan ang ating pambatong si Chiqui Brosas finished fourth runner-up.

But of course, higit pa sa puwestong ‘yon ang dalangin ng ating mga kababayan for Michelle who we hope will be our country’s fifth MU.

Pero ani Michelle, November 18 man daw ang coronation night ay the day after naman magsisimula whatever is in store for her.

Manalo-matalo raw ay magbabago raw ang takbo ng kanyang buhay the day after the pageant.

Sa kanyang laban, bitbit ng anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez ang kanyang adbokasiya.

Bukod sa pagsusulong ng mga karapatan ng LGBTQIA+ community, kaisa rin si Michelle sa autism awareness at women empowerment, among others.

Dalhin din kaya ni Michelle sa El Salvador ang pinasikat na winning “snake walk” ng kanyang ina?

One thing’s for sure, kung ilarawan ni Michelle si Melanie’y super daw ito sa pagka-stage mom.

At ang pagiging stage mom daw nito’y umaabot sa puntong ito ang unang nakikipagbardagulan kapag may mga nang-ookray kay Michelle.

In fairness though, si Melanie rin daw ang kanyang worst critic.

It may interest pageant fans to know na base sa online poll survey ay nasa Top 10 si Michelle.

Matic na raw kasi na pag nakasama ang isang kandidata roon ay join siya bilang semi-finalist.

Let’s all keep our fingers crossed na maiuuwi ni Michelle ang MU crown! Ronnie Carrasco III