Home ENTERTAINMENT Mike Hanopol, nagpasaklolo sa NBI!

Mike Hanopol, nagpasaklolo sa NBI!

2
0

Manila, Philippines – Nagpasaklolo ang Pinoy rock icon na si Mike Hanopol sa National Bureau of Investigation (NBI) para ireklamo ang online bullying at paggamit ng kanyang mga likhang awitin.

Pinalagan ng 80 anyos na musikero ang cyber bullying at paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang isang ‘di pinangalanang tao.

Ayon kay Mike, nakuha pa daw gumawa ang kanyang inirereklamo ng limang social media accounts para insultuhin ang kanyang pagkatao.

May pag-angkin pa daw sa kanyang mga komposisyon ang ginawa ng taong ‘yon.

Ani Mike, ang mga tao daw na gumagamit ng kanyang mga kanta ay hinihingi ang kanyang pahintulot bilang paggalang at pagkilala sa kanya.

Saad niya: “Ang dami nang gumagamit ng kanta ko. Okey lang ‘yon dahil nagpapasalamat at nagpapalam sila.

“Pero itong isang ‘to, kinakanya. Siya na daw ang composer!”

Si Mike Hanopol ay dating miyembro ng tanyag na Juan de la Cruz Band.

Kabilang sa mga pinasikat niyang awitin ay Laki sa Layaw, Jeprox.

Dekada sitenta sumikat si Mike dahil sa kanyang Pinoy rock music.

Maituturing na female counterpart ni Mike ay si Sampaguita na kakontemporaryo niya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here