Home NATIONWIDE ‘Militarisasyon’ ng WPS kinondena ng grupo sa Araw ng Kagitingan

‘Militarisasyon’ ng WPS kinondena ng grupo sa Araw ng Kagitingan

Larawan mula sa Bayan Facebook page

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at mga kaalyadong grupo nitong Martes, Araw ng Kagitingan (Day of Valor), sa China at sa United States na tigilan na ang umano’y militarisasyon ng West Philippine Sea (WPS).

Nagtipon ang mga raliyista sa Chinese Consulate sa Makati City upang kondenahin ang mga panghihimasok ng China sa maritime territories ng Pilipinas at agresyon nito sa mga mangingisdang Pilipino at mga barko sa WPS.

“We call on China to move out of the West Philippine Sea, dismantle its illegal structures, recognize the 2016 arbitral ruling, and to stop harassing Filipino fisherfolk and Philippine supply missions,” pahayag ng Bayan.

Gayundin, inihirit nila sa “US-led forces” na tantanan ang Pilipinas “and stop using the country to stoke imperialist conflicts in the region.”

Ayon sa Bayan, isinagawa ang kilos-protesta sa Araw ng Kagitingan bilang simbolo ng commitment ng mga Pilipino na labanan ang foreign aggressors.  

Ginugunita sa Araw ng Kagitingan ang Fall of Bataan, na naganap noong April 9, 1942, upang alalahanin ang libo-libong Pilipinong naglaan ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Pilipinas noong World War II.

“We also call for the demilitarization of the West Philippine Sea. Our legitimate resistance against Chinese aggression should not lead to foreign military buildup and the ‘recolonization’ of the Philippines through the installation of American military facilities across the country,” wika ng Bayan.

Ayon sa grupo, dapat hayaan ang Pilipinas na maging “cannon fodder in the inter-imperialist rivalry and war between China and the US.”

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang China at US embassies maging ang Malacañang ukol dito.

Inaangkin ng China ang malaking bahagi ng South China Sea, saklaw ang teritoryo ng Pilipinas.

Noong 2016, sinabi ng international arbitration tribunal sa The Hague na walang basehan ang pag-angkin ng China, desisyong patuloy na binabalewala ng Beijing. RNT/SA