Home NATIONWIDE Mishandling sa paghawak ng BI sa POGO-related deportations, paiimbestigahan

Mishandling sa paghawak ng BI sa POGO-related deportations, paiimbestigahan

MANILA, Philippines – Nais paimbestigahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang umano’y korapsyon at maling paghawak sa POGO deportations ng Bureau of Immigration (BI).

Sa pahayag nitong Sabado, Hunyo 14, sinabi ni Gatchalian na naghain siya ng Senate Resolution 1381 para paimbestigahan ang liderato ng ahensya kasabay ng mga alegasyon ng korapsyon at misconduct ng ilang empleyado ng BI.

“The improper implementation of the country’s anti-POGO policy concerning the detention and deportation of foreign nationals involved in POGOs may create loopholes in our anti-POGO framework and allow nefarious POGO actors to continue their operations,” ayon kay Gatchalian.

Sinabi ng senador na nabigyan ng pagkakataon na makatakas ang POGO-related foreign nationals dahil sa hindi tamang deportation process.

Wala pang komento ang BI kaugnay nito.

Ngayong buwan, matatandaan na inakusahan ang hindi pinangalanang mga empleyado ng BI na tumutulong umano para mapabilis ang pagpiyansa ng mga dayuhan na may kaugnayan sa POGO, kabilang ang mga maimpluwensiyang tauhan sa POGO.

May mga bago rin aniyang modus na lumitaw kabilang ang auctioning ng permanent quota visas sa may pinakamataas na bidder.

“Kailangan nating ituwid ang katiwalian sa ahensyang inaasahang nagpapatupad ng batas at punan ang pagkukulang sa ating mga regulasyon,” ani Gatchalian.

Binubusisi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon. RNT/JGC