MANILA, Philippines – Patay sa biniling radyo online ang isang babae matapos na makuryente sa Virac, Catanduanes.
Maging ang mister na nagtangkang sagipin ang misis ay nakoryente rin.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jenny Quintal, residente ng Barangay Valencia.
Ayon sa kaniyang mister na si Rico hawak ni Jenny ang antenna ng radyo habang nakapatong ito sa kandungan nang biglang makoryente ang kaniyang asawa.
Samantala, nakahanda ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Catanduanes na tulungan ang pamilya Quintal kung nais nilang sampahan ng reklamo ang online seller ng radyo.
Nagpaalala rin si DTI Provincial Director Maria Belma Escueta, sa publiko na maging maingat sa mga binibiling produkto online. RNT