Home HOME BANNER STORY Miss Philippines-Earth 2013 runner up binaril-patay sa Isabela

Miss Philippines-Earth 2013 runner up binaril-patay sa Isabela

221
0

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang 32-anyos na dating runner-up ng Miss Philippines Earth 2013 sa San Manuel, Isabela.

Sa ulat, nasa loob ng kanyang SUV sa harap ng kanyang bahay ang teacher at beauty queen na si Lullete Jane Ramilo-De Guzman sa Barangay Cabaritan bandang 6:45 ng gabi nang lapitan ito ng gunman sakay ng motorsiklo saka pinaputukan.

Tinamaan sa mukha at gilid ng katawan si Lullete na namatay on the spot.

Kasama ng biktima ang kanyang mga anak sa Toyota Fortuner nang lumabas sa gate ang ama nito.

Pumasok sa compound ang motorcycle rider at paulit-ulit na pinaputukan ang biktima.

Narekober ng mga imbestigador ang mga bala ng baril sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Sinusuri na ang security camera footage mula sa mga kalapit na bahay para sa ikatutukoy ng suspek sa pamamaril.

Wala pang inilalabas na impormasyon ang pulisya sa motibo ng pammaril ngunit inaalam ang lahat ng anggulo kabilang ang personal at propesyunal na kaugnayan ng biktima sa suspek.

Nakilala si Ramilo-De Guzman noong 2013 bilang finalist sa pageant at kalaunan ay naging isang guro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here