Home NATIONWIDE Mister at buntis na misis patay sa pananambang sa Cotabato

Mister at buntis na misis patay sa pananambang sa Cotabato

275
0

COTABATO- PATAY ang isang mister at buntis nitong misis matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin, nitong Martes ng gabi, Agosto 26 sa bayan ng Carmen.

Kinilala ang mga biktimang sina Jezreel Tua Ramirez, 34, negosyante at asawa nitong si Jean Samillano, pawang residente ng Purok 7, Poblacion Carmen, Cotabato.

Batay sa report ng Carmen Municipal Police Station, bandang 7:10 ng gabi naganap ang krimen sa Purok 4, Brgy Ugalingan, Carmen, Cotabato.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ng kanilang multicab ang mag-asawa at binabaybay ang direksyon ng Kabacan mula Poblacion, Carmen, Cotabato.

Pagsapit sa nabanggit na lugar ay bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima saka mabilis na tumakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang mag-asawa na agad ikinamatay ni Jezreel habang isinugod naman sa ospital ang kanyang misis pero kalaunan ay nalagutan din ng hininga.

Sa pagrespnde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, nakapulot sila ng mga basyo ng .45 kalibre na baril na hinihinalang ginamit ng mga suspek sa krimen.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen para malaman ang tunay na motibo at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran pagdakip. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here