Home METRO Mister, huli sa pagbebenta ng P120K tsongki

Mister, huli sa pagbebenta ng P120K tsongki

3
0

KALINGA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang tinaguriang High-Value Individual (HVI) matapos makumpiskahan ng tinatayang isang kilo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jojo,” 40 anyos, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Nahuli ang suspek matapos nitong bentahan ng vacuum-sealed na marijuana na nagkakahalaga ng ₱120,000 ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer. Bukod sa ilegal na droga ay nakumpiska ang iba pang ebidensyang ginamit na buy-bust money, lighter, at isang cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here