CAUAYAN CITY, Isabela – Hindi nakapalag matapos mahuli ang isang mister ng halos isang kilo na marijuana bricks sa isinagawang drug bust operation ng otoridad sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA Region 02 ay naaresto si alyas Ed, 35 anyos na residente sa naturang lugar at nasamsam ang tinatayang isang kilo ng pinaghihinalaang marijuana sa isinagawang buy-bust operation.







