MANILA, Philippines – Isang motorcycle rider ang namatay habang kritikal ang asawa nito nang banggain umano ng isang Mitsubishi Pajero sa Trece Martires City.
Dead on the spot ang driver ng isang Yamaha Mio Gear na may plakang 9980 TR na si Cesar Luna, 43 habang ginagamot sa Gen Emilio Aguinaldo Memorial Hospital at ang asawa nito na tinatayang nasa 35-40 anyos ay sugatan naman, na kapwa residente ng Brgy Cabuco, ng nasabing lungsod.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Pajero na may plakang ZHR 531 na si alyas Rowell, 41 ng Salawag, Dasmarinas City, Cavite.
Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-12:48 ng madaling araw nitong Martes, Agosto 26 nang naganap ang insidente kung saan kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng Governor’s Drive sa Brgy Agustin, ng naturang lugar.
Ang driver ng motorsiklo ay patungo sa direksyon ng Brgy Cabuco habang ang Pajero ay sa direksyon ng Brgy Manggahan sa Gen. Trias City, subalit pagsapit sa nasabing lugar ay bumangga ang driver ng Pajero sa center island ng kalsada at nabangga rin nito ang minamanehong motorsiklo ng mga biktima. MARGIE BAUTISTA