Home NATIONWIDE Miyembro ng PCG pinagbabaril, patay sa Maynila

Miyembro ng PCG pinagbabaril, patay sa Maynila

296
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules ng madaling araw, Nobyembre 5.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima na si ASN o Apprentice Seaman Al Hazil Tati na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, mukha at katawan.

Sa inisyal na impormasyon ng pulisya, 3:55 ng madaling araw naganap ang krimen kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at hindi kilalang suspek.

Nauwi umano ito sa suntukan hanggang sa tumakbo ang biktima na ilang ulit pinutukan ng suspek na nagresulta ng pagkamatay ng coast guardian.

Kinuha na ng PCG Manila ang labi ng kanilang tauhan habang patuloy na nangangalap ng ebidensya ang pulisya at inaalam ang pagkakilanlan ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here