Home NATIONWIDE MMDA nagbabala sa pekeng #WalangPasok announcements

MMDA nagbabala sa pekeng #WalangPasok announcements

265
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang MMDA sa publiko laban sa mga pekeng class suspension announcement, kasabay ng pagpapaalala sa social media users na maging maingat sa pagbabahagi ng mga ganitong post.

Sa Facebook post, sinabi ng MMDA na ang kumalat na anunsyo ng class suspension para ngayong Lunes, Hulyo 14 ay peke o hindi totoo.

“Peke at hindi galing sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang anunsiyo hinggil sa umano’y class suspension bukas, Hulyo 14,” sinabi ng MMDA.

Anang ahensya, dapat ay ibahagi lamang ng social media users ang mga beripikadong balita mula sa official government websites, social media accounts, at lehitimong news websites.

“If you receive any suspicious messages or posts on social media, you may call MMDA Hotline 136 or send a message to MMDA official accounts. Be careful and be vigilant,” ayon pa sa MMDA. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here