Home METRO MMDA naghatid ng tulong sa Davao Region

MMDA naghatid ng tulong sa Davao Region

MANILA, Philippines- Dumating ang contingent team mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itinalaga upang magdala ng tulong sa mga komunidad na apektado ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region, sa Davao City nitong Huwebes.

Inihatid ng team na binubuo ng 30 indibidwal ang 60 units ng solar-powered water purifiers, ayon sa MMDA.

Kada unit ay may kapasidad na mag-filter ng 180 galong tubig kada oras, dagdag nito.

“Earlier today, the MMDA team has arrived in the Davao region, and rest assured that they will provide potable drinking water and other humanitarian assistance that the victims might need,” pahayag ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes.

Idineploy ang mga miyembro ng grupo sa mga sumusunod na lugar:

  • Barangays Liboganon, Pagsabangan, Busaon in Tagum City, Davao del Norte

  • Barangay Caningag, Sitio Logdeck from Caraga, lahat ng barangay sa Tarragona, Barangay Zarragosa, Barangay Taocanga, Barangay Calapagan, Barangay Don Mariano, Barangay Marcos, Barangay Ilangay, Barangay Lantawan sa Manay, Davao Oriental

  • Barangay Napnapan sa Pantukan, Davao de Oro

Anang ahensya, ang pag-deploy sa team ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkukles na asistihan ang mga residente.

Mananatili ang contingent team sa rehiyon sa loob ng 10 araw. RNT/SA