Home HOME BANNER STORY Paghiwalay ng M’danao sa Pinas matinding paglabag sa 1987 Constitution – PBBM

Paghiwalay ng M’danao sa Pinas matinding paglabag sa 1987 Constitution – PBBM

MANILA, Philippines- Isang matindi at mabigat na paglabag sa 1987 Constitution ang ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa idinaos na “Constitution Day 2024” sa Makati City, ang panawagan na ihiwalay ang Mindanao ay “doomed to fail, for it is anchored on false premise not to mention a sheer constitutional travesty.”

“I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao. This is a grave violation of the constitution,” ayon kay Pangulong Marcos.

Matatandaang mismong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagpalutang ng ideya na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas sa pamamagitan ng proseso batay sa pangangalap ng pirma.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito na ang panawagan ni Duterte ay hindi nakahanay sa Bagong Pilipinas, “brand of governance” na binuo ng administrasyong Marcos.

“Bagkus ito ay pagwasak sa ating bansang Pilipinas. The Constitution calls for a united undivided country. It calls for eternal cohesion,” ayon sa Pangulo.

“For this reason, unlike in other constitutions, there is nothing in ours that allows the breaking up of this union, such as an exit provision. On the contrary, the Constitution does not recognize the right to rebellion, while our criminal laws punishes it,” dagdag na wika nito.

Pangako naman ng Pangulo, ang teritoryo ng Pilipinas ay hindi mababawasan kahit na isang pulgadang parisukat.

“We will continue to defend from any threats, external and internal. We will not allow even an iota of suggestion of its breaking apart. On this part of the Constitution, there is simply no dynamism or flexibility. This is my guarantee not only throughout this term but up to my dying breath,” giit niya.

Samantala, tiniyak ni Pangulong Marcos na inayawan ng kasalukuyang liderato ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang “kalokohang panukala” na ito. Kris Jose

Previous articleMMDA naghatid ng tulong sa Davao Region
Next articleEl Niño humuhupa na, La Niña nakaamba