Home NATIONWIDE El Niño humuhupa na, La Niña nakaamba

El Niño humuhupa na, La Niña nakaamba

MANILA, Philippines- Nagbabadya ang La Niña weather pattern sa ikalawang bahagi ng 2024, matapos magtransisyon ng El Niño sa ENSO-neutral conditions sa kalagitnaan ng taon, ayon sa US government weather forecaster nitong Huwebes.

Bahagi ng La Niña pattern ang “unusually cold temperatures” sa equatorial Pacific Ocean at iniuugnay sa pagbaha at tagtuyot.

“Even though forecasts made through the spring season tend to be less reliable, there is a historical tendency for La Niña to follow strong El Niño events,” wika ng National Weather Service’s Climate Prediction Center (CPC).

Posibleng bigyang-daan ng kasalukuyang El Niño weather pattern, na nagdudulot ng mainit at tuyong panahon sa Asya at mas malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Amerika, ang ENSO-neutral conditions sa April-June 2024, batay sa CPC sa monthly forecast nito.

Tumutukoy ang ENSO-neutral conditions sa panahon kung kailan hindi nakararanas ng El Niño o La Niña, na karaniwang sumasabay sa paglipat sa pagitan ng dalawang weather patterns.

“La Niña is likely to affect the production of wheat and corn in the US, and soybean and corn in Latin America including Brazil,” ani Sabrin Chowdhury, head of commodities sa BMI.

Matapos ang malakas na El Niño, nagbabadyang lumipat ang global weather sa La Niña sa ikalawang bahagi ng 2024, na tipikal na nagdudulot ng “higher precipitation” sa Australia. RNT/SA

Previous articlePaghiwalay ng M’danao sa Pinas matinding paglabag sa 1987 Constitution – PBBM
Next articleACT: Nag-iisang public school sa NCR na lusot sa PISA 2022 dapat magsilbing ‘wake-up call’