Home NATIONWIDE Red tide alert nakataas sa Masbate, VisMin – BFAR

Red tide alert nakataas sa Masbate, VisMin – BFAR

MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang paralytic shellfish poison o red tide toxin sa anim na coastal areas sa Masbate, Visayas at Mindanao.

Ang babala na ito ay mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan nauna nang naglabas ng red tide bulletin ang ahensya noon pang Marso 16.

Noong Marso 26, naglabas ng panibagong abiso ang BFAR sa pagsasabing umiiral pa rin ang red tide alert sa mga coastal areas sa nasabing mga lugar.

Sa ilalim ng Shellfish Bulletin. No. 08, apektado ng red tide ang mga sumusunod na lugar:

Coastal waters ng Milagros, Masbate
Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
Coastal Waters ng San Benito, Surigao del Norte
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
San Pedro Bay sa Samar
Matarinao Bay sa Eastern Samar

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” saad sa bulletin na may petsang Abril 30. RNT/JGC