Home METRO Pahinanteng tulak ng P22K bato; most wanted magmamanok nalambat ng mga parak...

Pahinanteng tulak ng P22K bato; most wanted magmamanok nalambat ng mga parak sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang isang 31 anyos na lalaking truck helper matapos mahulihan ng P22,712 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jaypee Colorico, residente ng Purok 1, Brgy. Malipampang.

Sa report ni San Ildefonso chief of police PLTCOL Russel Dennis Reburiano kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, naganap ang operasyon bandang 10:30 ng gabi nitong Abril 30 sa Brgy. Maasim.

Ayon sa report, nakumpiska sa operasyon ang nasa 3.34 grams na hinihinalang shabu na may standard price P22,712.

Samantala, huli rin ng San Ildefonso police bandang 12:25 ng tanghali nitong Mayo 1 sa Brgy. Pinaod ang Most Wanted Person (Provincial Level no. 8 and Municipal level no.8 na si Andres Oxina, poultry farm helper, residente ng Sta. Catalina Bata sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant sa kasong Homicide (RPC Art.249) ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 12, City of Malolos nitong Abril 12 na may fix bail na P120,000.

Kapwa himas-rehas na ang dalawa sa naturang istasyon ng pulisya na dumakip sa kanila. Dick Mirasol III