Home ENTERTAINMENT Alden, to host MUP 2024; kapalpakan, inaabangan ng basher!

Alden, to host MUP 2024; kapalpakan, inaabangan ng basher!

Manila, Philippines – Limampu’t tatlong kandidata ang maglalaban-laban sa darating na Miss Universe Philippines coronation night sa May 22 sa SM MOA Arena.

Sa kanyang ikalawang taon, muling magsisilbing host si Alden Richards.

He will be joined by R’Bonney Gabriel, ang Filipino-American beauy at ika-siyam na Miss Universe mula sa Amerika.

Matatandaang noong isang taon, Alden shared his hosting duties with fellow Kapuso actor Xian Lim.

Sumama ring mag-host ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.

This year, inaasahang mapapahanga ang mga manonood sa guest performers kabilang ang drag superstar na si Marina Summers.

Napabilib tayo ni Summers sa RuPaul’s Drag Race UK vs the World Season 2.

Magtatanghal din ang pop band na Lola Amour.

Matatandaang lumikha ng ingay ang hosting ni Alden noong isang taon dahil sa kanyang boo-boo.

Mali kasi ang pagtawag niya sa nagwaging Ms. Congeniality.

Sa halip na pangalan ng kandidata mula sa Capiz ay kinatawan ng Agusan del Norte ang binanggit ni Alden.

This year, nagpipista na ang mga haters ni Alden na nag-aabang ng kanyang kapalpakan uli a la Steve Harvey.

Matatandaan ding nasilipan ng umano’y alingangas ang MUP last year nang tawaging mull ang 18 semi-finalists sa entablado gayong nai-announce na ang Top 10.

Ang kokoronahang MUP 2024 ang hahalili kay Michelle Marquez Dee na siyang kakatawan sa bansa sa global competition na gaganapin sa

Mexico ngayong taon. Ronnie Carrasco III